ang mga employees ng SM mababait. ang problema ang mga may-ari at probably management ng SM. yung mga grocery baggers nila pati mga guards sa savemore, hindi tumatanggap ng tip kasi bawal daw ayon sa patakaran ng SM. napakalaking bagay ang tip para sa mga taong yun kahit maliit lang na halaga dahil sa hirap ng buhay ngayon lalo pa di-kontrata lang sila at may endo. ang SM akala mo napakalaki magpasweldo sa mga maliliit nilang emeyado. ang cherry foodarama sa congressional kaya nilalangaw mula nung mag-take over and SM kasi nawala yung feeling at home at welcome ka. ngayon parang lahat puro pera ang gusto nila. dati ang mga residente sa paligid nakakadaan papunta sa simbahan. ngayon may bayad na. napakasugapa sa pera ng mga may-ari ng SM. lahat ng kilala kong naggo-grocery dati sa cherry nawalan ng gana nung SM na ang nagpatakbo. ang driveway nila ang daming harang na dapat magbabayad ka kada kilos mo. gusto nilang i-monopolize ang mga grocery para sila magdidikta ng presyo. pag namatay ang mga may-ari ng SM, isasama ba nila sa hukay yung yaman nila? grabe kayo. kahit pa may foundation kayo, mukang pera pa rin ang ugali nyo. read more