Hindi ko ipagpapalit sa Krispy Kreme, Go Nuts Donuts, o kahit pa J.Co ang Dunkin' Donuts. Ito lang ang kaisa-isahang donut establishment sa Pilipinas na tumatawid sa panlasa ng lahat ng social class. Paborito kong bumibili ng Dunkin Donuts sa main factory nito sa Mandaluyong dahil laging bagong gawa ang mga donuts dito. Gayundin sa mga outlets malapit sa lugar na ito dahil nakakapag deliver agad ng mga bagong paninda kapag naubos.
Classic at may signature na lasa ang Dunkin na hahanap-hanapin mo dahil hindi ito masyadong matamis o matabang, simple lang din ang mga flavor at toppings nito, hindi na kailangan pang komplikahin o pagarbuhin para maging masarap. Ilang henerasyon na ng mga Pilipino ang dinaanan ng Butternut, Chocobutternut, Bavarian Filled at Boston Kreme na mga kilalang flavor sa Dunkin. Ang Munchkins na maliliit na version ng mga flavor na nabanggit ay isang all-time favorite rin na talagang nakakatakam papakin kasama ng kape.
Mas marami rin klase ng Premium Donuts dito sa Mandaluyong na bihira makita sa ibang branches tulad ng Red Velvet, Quezo Duo at Oreo Cheese. Kumpara sa ibang sikat na Donut establishments, pinakamura pa rin ang Dunkin Donuts sa lahat, panalong panalo sa akin ang 3-3-12 promo nila (3 premium donuts, 3 reguar donuts, 12 munchkins) sa halahang P200.00 lang. read more