I woke up one day na parang "This is it. Magpapasexy na ako." Syempre nag-research muna ako kung saang gyms okay mag-workout, kung baga parang stalker mode ako girl. Ang number one criteria ko: may air-con! Hahaha! Hindi pala ako willing magpawis, bakit pa ako nagtangkang mag-workout kaya ano? After reading some reviews, nagpa-member na ako at Gold's Gym in Libis!
Medyo mahal talaga yung Membership Fee sa Gold's Gym pero makukuha mo naman kung ano yung binayaran mo. It's worth it! Maraming options kung gaano ka katagal (sisipagin mag-gym?) and may choice rin na magamit yung Membership Card mo sa ibang branches (although bilang lang yung sa akin. I think meron din choice na pwede mong ikutin lahat ng branches na unlimited pero iba ata yung price for that). Kumpleto yung machines here in Acropolis (based sa kinailangan ng fats ko para mawala na sila hahaha) at may Swimming Pool din sila ha! Pero nung time na nag-swimming ako, umahon din ako agad bilang may mga lamok na pumapapak ng bilbil ko.
May café sila kung gusto mong kumain muna or habang naghihintay ng jowang susundo sayo (nakasabay ko sina John Prats at Isabel Oli dito grabe kinilig ako nahiya lang akong magpa-picture teh! Hahaha). For first-timers, I suggest na kumuha kayo ng trainers. Mahal siya per session pero mas walang mangyayari kung magmamarunong ka lang girl sa machines! Una, delikado at pangalawa baka hindi ka rin sure sa gagawin mo at magmukha kang lost sa world niyan. You're also not allowed na magdala ng trainers na hindi galing sa Gold's Gym kaya 'wag ka na manghinayang to ask for assistance (kahit may bayad).
Girl trainer yung gusto ko sana para mas kumportableng gumalaw ang lola mo. Walang hiya-hiya sa kapwa babae! I had 3 trainers pero wala na ata yung dalawa so si Leigh Anne Pusong na lang i-recommend ko. Siya yung last trainer ko and hindi lang basta "trainer" ha, pwede mo rin siyang machicka as your new friend! Okay na okay rin si Benj (my mom's personal trainer) SOSYAL SA "MOM'S" TEH!
Solved sa amenities, maraming machines at magaling na trainers! Stronger with Gold's talaga! PUSH read more