Kung may Tri-Mo Shawarma sa Lagro, mayroon namang Robert's Pares sa West Fairview. Ito ang tambayan at kainan ng mga astig, gangster at drayber dahil nakapwesto ito sa tapat ng terminal ng tricycle. Bukod sa specialty nilang Pares, masrap din ang Lechon Macau at Sisig dito. Marami pa silang ibang pinirito at masarsang ulam sa menu, parehong mayroong value meals at short orders. Nagkakahalagang P50.00 hanggang P80.00 lang ang mga rice meals dito, malinamnam at malasa rin kaya binabalik balikan ng mga costumer.
Hindi nga lang magandang klaseng kanin ang gamit nila kaya kung sakali pwede ka na lang mag take-out ng ulam at kainin ito sa bahay kung sa malapit ka lang naman nakatira. Robert's Pares lang din ang karinderya na nakita kong may delivery kaya kung tinatamad kang umalis ng bahay ay tumawag ka na lang sa kanila para magpahatid ng pagkain. read more