Sino kaya si Angel? Wala mang nakakakilala sa kaniya, siguradong bahagi na ng kasaysayan ng mga Pilipino ang burger niya, ang burger ng bayan at ang numero unong burger ng henerasyon--Angel's Burger.
Hindi na siguro mabibilang ang mga Pilipinong naiahon panandalian ng Angel's burger sa gutom dahil sa Buy 1 Take 1 hamburger nila na P24.00 lang. Takbuhan ito ng mga nasagad, kinapos, kinulang at nagtitipid sa panahon ng pagkalam ng sikmura. Nasa pang masang hanay ang burger nila at hindi dapat hanapan ng lasa ng purong baka katulad sa kung paano talaga ang mga tunay na burger. Hindi naman sa pekeng burger ito, pero siguro mas mainam na ilagay na lang ito sa hanay ng mga tinapay na may palaman. Masarap at mauubos mo na rin naman lalo kung may mayonnaise, ketchup at syempre kung gutom ka.
Kung sawa ka na sa burger, may hungarian sausage din silang tinda na hindi nakasulat sa menu, itanong mo lang sa tindero o tindera at sasabihin niya sayo kung available ito o hindi. read more