Maganda ang facilities ng Humana sa King's Court branch, up-to-date and latest lagi ang gamit. Mababait ang mga doctor at staff. Kung baga patient sila sa mga patient.
Isa lang ang panira sa wellness center na ito: yung lalaking technician ng echocardiogram procedure.
Mag-iingat po kayo sa kanya.
Nanghahawak siya ng boobs, kunwari part ng procedure. Ang ginawa niya pinahiga ako sa kaliwa para daw mas klaro yung ultrasound. Eh siya at yung device nasa kanan. Siyempre yung buong braso niya ay nakapatong sa kanang suso ko habang ine-eksamin. Tapos nagpaalam kunwari na hahawiin daw yung kaliwang suso sabay dakma at inurong para maipahid yung ultrasound reader. Nagulat ako pero iniisip ko, tama bang gawin niya yan?
Nang matapos ang check up ko, nagsulat ako sa Humana at nagreklamo sa nangyari. Masama ang loob ko dahil executive check up pa naman yun, may kamahalan, tapos na-manyak naman ako.
Inimbita ako sa opisina ng HR nung time na yon. Dun sa usapan namin ang balita ng HR ay kinausap daw nila yung technician tungkol sa reklamo ko at na nagulat daw siya. Alam mo kung ano depensa ng manyakis? Imbes sabihin "Paki-sabi po sorry pero ganun talaga ang procedure kahit saan" ang sinabi daw niya "Eh, ma'am nagpasalamat pa nga yung pasiyente ". Tanginang yon. Manyakis talaga. Hindi niya masabing "ganun talaga ang echocardiogram" dahil HINDI naman ganun ang procedure. Bastos talaga, may asawa at anak pa naman ang gago. Hindi ako nakapag file ng kaso sa Humana dahil paalis na ako ng bansa.
Ang hiling ko lang sa diyos eh mabulok at malaglag sana ang ari niya ng di magamit muli. read more