Konting likuran ukol sa Jollibee - Matagal bago ito nagbukas.
(www.thestar.com) Nov 4, 2013, pinahayag daw ng Jollibee na magbubukas sila ng unang sanga sa Toronto ng 2015
(www.cbc.ca) Mar 25, 2015, sabi officially' coming to Canada, eh diba sabi nung 2013, 2015 meron ng Jollibee sa GTA? coming palang daw...
Sep 28, 2017, nagbukas na ang Seafood City pero, di parin bukas ang Jollibee, 4 taon na nung nagpahayag na magbubukas.
meron sign na 'coming soon' pero lumipas pa na pasko at bagong tao, 'coming soon' parin ang sign. Dapat pinalitan ng 'coming later' o kaya 'coming whatever time' ang sign, kasi, hindi ata halos is taon ang 'soon'.
Nung Avr 1, 2018, nagbukas nga ang Jollibee, nugnit sa Scarborough.
Sa wakas Jul 20, 2018, nagbukas din ang Jollibee sa Mississauga, tas halos 5 taon na pag hihintay, at 3 taon na antala.
Sa totoo lang medyo nawalan nako ng gana sa paghihintay at nalan nakong pake, kahit di na dumating yan ng pu taon, chige lang.
Pero, ngay narito na ang Jollibee, at nasubokan ko na ng ilang beses. Ibalik-tanaw naman kung anong kalidad ng putaje at karanasan ko.
Halos lahat ng food item inorder na namin. Ang masasabi ko lang karamihan ang lasa ay may tamis o/at asim, kahit konte. Yung spicy, talgang may spice, di biro. Yung gravy nila ay walang extrang bayad, kasama ito sa order ng chicken. Yung Spaghetti medyo naparami ang tamis kasi Filipino style nga. Yung Palabok ok lang, konte lang sahog, kasi fast food nga (nong akala mo?). Palagay ko mahirap itumbas ang fastfood na Spaghetti at palabok sa tradisyonal na homemade/slow cook na Spaghetti at Palabok. Pagnasanay ka na sa tradisyonal pagluto, di syadong aangat ang minabilis na luto.
Ang unique at umiibabaw na kanen para sakin ay yung Jolly Crispy Chicken, Mango Peach Pie, at Yum Burger. Talgang malutong sa labas o balat ng chicken, pero malambot ang karne sa lub. Ang pie naman ganon din, pag bagong order mo, iniinit nila (sa toaster?), kya malutong ang crust, pero mainit at tunaw ang salsa ng mango at peach sa luob. Yung Yum Burger ay unique, mas tamis tto sa gusto ko, pero, basta di madalas ok lang.
Ngunit nabigo ako nung huling order namin nung Okt 9, yung Crispy Chicken Joy na take-out namin, nung kinain na namin nung pandem sa tahanan, yung manok ay may dugo-dugo pa, mamula-mula sa ilalim, bandang buto. Lan-hya, naisip ko baka isolated case tto na bihirang mangyari, ngunit may kakilala ako na nagpost na ng larawan sa social-media ng Jolly Crispy Chicken, na di rin luto, may konting dugo pa. Kya palagay ko mas dalz ko mangyari kesa hindi. Di ko alam kung may standard sila na minimum orz par sigurad na luto ang manok, o bumaba lang kalidad standard, o palpak yung nagluto. Pero ako yung tipong ayaw magsayang ng kanen, kya ni-microwave ko para maluto pa, at pwede pagchagaan. Ngunit di dapat ito nangyayari. Dapat luto ang manok mula resto, hindi may dugo pa.
Wala akong pake sa Palabok o Spaghetti (ok lang sila), pero ang Jolly Crispy chicken ang flagship putaje ng Jollibee, ganito? Di luto na maayos? I-r-rate ko nga sana ng 4 twens, kundi lang sa hilaw na luto ng manok, kya 3 twens lang. Sana mapansin ito ng Jollibee. Kundi, maraming magdadaing o baka mamultahan makasuhan pa sila, di pumasa sa Canadian Food Inspection, isara o mawalan ng business license ang Jollibee, anupa'y masira ngan nila, mas konte na dumalong customers.
Datapwat nabanggit ko yan, hindi ibig sabihin na laging hilaw ang luto.
Sa toto'y, nung bagong bukas at ilang orders nakalipas, wala naman problem, maayos ang pagkaluto, lu nung unang kalaunan (sa Scarborough, nung may mahabang pila pa). Nagkataon lang sana... pero di lang ito unang bes na nangyari, nakakatakot lang na mas madalas ito mangyari kes alam natin, na matapat pa sakin, at magka salmonela pa, masira tyan o magkasakit. Kaya balisa ako at dapat din Jollibee dito dahil kalidad, at health isyu tto. Lutasin agad bago magkaron pa ng mga di kanaisnais na incidents.
Buod ay:
Mga sang-ayon - libre ang gravy, katutak pa ang rami, yung spicy na timpla, spicy talg, di biro. Unique ang Jolly Crispy Chicken, Peach Mango pie, Yum Burger. Masarp ang pinya juice (sobrang tamis), at may calamansi bilang sauce.
Mga kontra - medyo karaniwan lang ang palabok at spaghetti. Medyo matatamis ang mga timpla. Smang balita sa may diabetes, kahit yung walang diabetes, hinay hinay lang dito. At yung nabanggit ko sa itaas, yung huli naming order, medyo hilaw yung luto sa manok. read more